dzme1530.ph

Philippine vessels na nasa resupply mission, ginamitan ng water cannon ng China Coast Guard sa WPS

Muling nakaranas ng harassment ang mga barko ng Pilipinas mula sa Chinese Coast Guard (CCG) sa West Philippine Sea.

Kinondena ng Philippine Coast Guard (PCG) ang anila ay iligal at mapanganib na paggamit ng CCG ng water cannons sa kanilang mga barko habang ini-eskortan ang vessels na nasa resupply mission.

Nangyari ang insidente noong Sabado habang nasa kalagitnaan ng pagde-deliver ng pagkain, tubig, fuel, at iba pang supplies ang vessels para sa mga sundalong nakatalaga sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Dahil sa naturang pag-atake, sinabi naman ng Armed Forces of the Philippines na hindi na nakapag-unload ng supplies ang ikalawang bangka at hindi na nakumpleto ang kanilang misyon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author