Nakumpleto na ang ikatlong bahagi ng decommissioning process o pagdidis-arma sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Sa Decommissioning Ceremony sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, inihayag ni Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr. na ang pagkaka-kumpleto sa 3rd phase ng decommissioning ay nagpapakita ng matatag na partnership ng gobyerno at MILF.
Ito ay alinsunod din sa mithiin ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gawing maunlad at self-governing ang bangsamoro region.
Kasabay nito’y tiniyak ng Palasyo na nananatili ang commitment ng administrasyon sa peace agreement sa MILF, at gayundin sa iba pang aspeto ng normalization program tulad ng socioeconomic development, security, transitional justice and reconciliation, at confidence-building measures tulad ng pagbibigay ng amnestiya.
Tinatayang nasa mahigit 1, 300 MILF combatants ang lumahok sa 3rd phase ng decommissioning process. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News