Ipinagmalaki ng Dep’t of Budget and Management ang bumabang inflation rate sa bansa para sa buwan ng Hulyo.
Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, inasahan na ng economic team ang patuloy na pagbaba ng inflation, na patunay ng pagiging mabisa ng “whole of gov’t” approach.
Kasabay nito’y tiniyak ni Pangandaman na patuloy na magpapatupad ang administrasyon ng mga istratehiya upang mapanatili ang inflation rate sa kanilang target range.
Matatandaang naitala ang 4.7% inflation rate para sa buwan ng Hulyo na pinaka-mababa sa nagdaang anim na buwan.
Target ng gobyerno na maibaba pa ito sa 2-4% sa pagtatapos ng taon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News