Kinuwestyon ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang mga prayoridad ng administrasyon sa kanilang proposed P5.768-trillion National Expenditure Program (NEP).
Bunsod ito ng alokasyon ng P9.2-B para sa confidential and intelligence funds sa gitna ng pangangailangang matugunan ang epekto ng kalamidad sa ating mga kababayan.
Tinawag pang huge mistake o malaking pagkakamali ang budgetary decision ng gobyerno na hindi anya nakauunawa sa tunay na sitwasyon ng taumbayan.
Ipinaalala ng senador na sa gitna ng mga epekto ng mga nakalipas na bagyo at posibleng impact ng El Niño ang bawat piso ay mahalaga.
Dahil dito, nangako si Pimentel na bubusisiing mabuti ang proposed 2024 national budget. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News