dzme1530.ph

Halos P3-B na tapyas sa 2024 budget ng UP, ipinaliwanag ng DBM

Ipinaliwanag ng Department of Management (DBM) ang P2.93-B na tapyas sa 2024 Budget ng University of the Philippines (UP).

Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, hindi makaaapekto sa mga estudyante ang ibinawas sa budget ng UP.

Dahil ang itinanggal aniya na budgetary requirements ay para sa ilang infrastructure projects na nakatakdang matapos ngayong taon, na hindi na kinakailangan pang pondohan.

Nabatid na sa P5.768-T national expenditure program na isinumite sa kamara, nakakuha ang up ng 22.59 billion peso proposed budget para sa 2024, mas mababa sa P25.52-B na inilaang budget sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act.

Kasunod nito, tiniyak naman ng kalihim na mananatiling prayoridad ng administrasyon ang budget para sa education sector na may P924.7-B proposed 2024 budget, mas mataas ng 3.3% kumpara sa P895.2-B budget noong 2023. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author