dzme1530.ph

LTFRB, taas-pasahe sa LRT-1, LRT-2 aprubado na

Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang resolusyon mula sa Light Rail Transit Authority (LRTA) para sa dagdag pasahe sa LRT 1 at LRT 2.

Gayunman, nilinaw ng LTFRB na ang kanilang pag-apruba sa resolusyon ay hindi nangangahulugan na nakatakda nang ipatupad ang Fare hike.

Hinihintay pa kasi ang approval mula sa ibang board members, kabilang ang Department of Transportation, Department of Finance, Department of Budget and Management, National Economic and Development Authority, at Department of Public Works and Highways.

Sa sandaling maaprubahan, ang Boarding fare ay magiging ₱13.29 pesos habang ang Distance fare ay tataas ng ₱1.21 pesos per kilometer sa LRT 1 at LRT 2.

Ang kasalukuyang Boarding fare na ₱11.00 pesos at distance fare na piso kada kilometro para sa dalawang train systems ay umiiral mula pang 2015.

Sa ngayon, ang lumagda pa lamang sa panukalang dagdag-pasahe ay sina LTFRB Chief Teofilo Guadiz III, Acting LRTA Administrator Hernando Cabrera, at Board Members Dimapuno Datu at Patrick Villanueva.

About The Author