dzme1530.ph

DOH, nagbabala kontra vape investments

Hinimok ng Dept. of Health ang Economic Managers ng administrasyong Marcos na ikonsidera ang epekto sa kalusugan ng publiko ang pagpapahintulot sa industriya ng local electronic cigarette sa bansa.

Inilabas ng ahensya ang pahayag matapos ang panawagan ni Dept. of Trade and Industry Usec. Cerefino Rodolfo sa mga manufacturer ng Heated Tobacco Products (HTPs) na magnegosyo sa Pilipinas.

Ang HTPs ay mas kilala bilang electronic cigarettes at vaporizers o vapes.

Kaugnay nito, nagbabala ang DOH na ang pagmamarket ng Pilipinas sa multinational corporations bilang Manufacturing Hub ng HTPs ay posibleng magpalala sa “tobacco epidemic” ng bansa.

Ang hakbang din na ito anila ay taliwas sa policy intent ng Republic Act 11900, na layong protektahan ang publiko sa posibleng masamang epekto ng naturang electronic cigarettes. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author