Sinusuri ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga produkto para sa green lending.
Ayon sa Central Bank, dedepende sila sa mga survey, pag-aaral, at industry consultations upang matukoy ang potential regulatory incentives ng mga bangko upang taasan ang green lending sa susunod na dalawa hanggang tatlong taon.
Sa isang pagsusuri kaugnay sa sustainability ng loans and credit operations ng BSP, na bahagi ng unang sustainability report ng ahensya noong Hulyo, lumalabas na nais ng mga lokal na bangko ang pagkakaroon ng insentibo gaya ng pinababang rediscount rates at mataas na collateral at pautang upang maisulong ang green lending.
Sa iba pang survey, hindi bababa sa siyam na sustainable loan categories ang prefer ng mga bangko tulad ng renewable energy na may 89% approved loans sa third qaurter ng 2022.
Sinundan ng sustainable water and wastewater management na may 56% loan, 50% naman sa energy efficiency at green buildings, at 39% sa mga proyekto kaugnay sa social welfare, socioeconomic empowerment, infrastructure, microfinancing, at iba pa. —sa panulat ni Lea Soriano