Ang height ng isang indibiduwal ay nakabatay sa genetics, subalit malaki rin ang tulong ng mga nutrients na nakukuha sa pagkain upang makatulong sa tamang growth at development.
Ngunit alam niyo ba na ang isang large egg ay katumbas na ng anim na gramong protina? ang protein na samahan pa ng Vit. D ay mahalaga sa tissue repair, immune function at nakatutulong upang madagdagan ang tangkad.
Sa paliwanag, siksik ang itlog sa protina at Vitamin D na nakapagpapataas ng calcium absorption dahilan para mapanatili ang skeletal o bone health.
Sa isang pag-aaral, ang mga batang may sapat na Vit. D sa loob ng anim na buwan ay natuklasang nadagdagan ang paglaki, gayundin ang nasa mahigit 800 bata na kumakain ng manok ay nakitang tumaas ang height. —sa panulat ni Airiam Sancho