dzme1530.ph

Mala-dominong pagbagsak ng mga poste ng kuryente sa Binondo, pinaiimbestigahan ng DILG

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Bureau of Fire Protection at Manila City Government na imbestigahan kung bakit nagbagsakan ang ilang poste ng kuryente sa Binondo.

Sa report ng Manila Public Information Office, pitong poste ang nagtumbahan dakong ala-1 ng hapon, kahapon, sa Ongpin St., na nagdulot ng pinsala sa tatlo katao at walong sasakyan.

Tiniyak naman ni DILG Sec. Benhur Abalos na magbibigay sila ng kaukulang tulong sa mga naapektuhang indibidwal.

Hinimok din nito ang local chief executives na inspeksyunin ang mga poste ng kuryente, construction sites, billboards at iba pang installations, sa kani-kanilang nasasakupan upang maiwasang maulit ang kahalintulad na insidente, lalo na kapag masama ang panahon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author