Isang depektibong circuit breaker at hindi ang Uninterrupted Power Supply (UPS) ang sanhi ng aberya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong enero a-uno.
Sa briefing sa House Committee On Transportation, sinabi ni Civil Aviation Authority of the Philippines CAAP Director General Manuel Antonio Tamayo na isa sa apat na circuit breaker ang nagkaroon ng problema subalit sa ngayon ay napalitan na ito.
Inihayag din ni Tamayo na nais nilang magkaroon pa ng isang Communications, Navigation And Surveillance System for Air Traffic Management (CNS-ATM) bilang reserba kapag pumalya ang ginagamit ngayon.
Kinumpirma naman ni Civil Aeronautics Board Executive Director Carmelo Arcilla na nasa 100 milyong piso ang danyos sa mga Airline Companies ng naturang aberya at hindi pa kasama rito ang pinsala sa mahigit 65,000 na pasahero.
Inamin din ng CAAP na sa ngayon ay hindi pa sila ISO Accredited at ito ang kanilang pinagsisikapan maabot ngayon.
Gayunman, iginiit ni Tamayo na Ranked 1 ang CAAP sa US Federal Aviation Administration at miyembro rin ang Pilipinas ng International Civil Aviation Organization.