dzme1530.ph

Halos 3M katao, apektado ng bagyong Egay, Habagat -NDRRMC

Sumampa na sa halos 3M katao ang naapektuhan ng Habagat at nagdaang bagyong Egay.

Batay sa pinakahuling situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), aabot sa 781,728 na pamilya o katumbas ng 2, 930, 200 na indibidwal ang apektado ng dalawang sama ng panahon sa Luzon at Visayas.

Umabot na rin sa 288, 039 na katao ang inilikas sa Regions 1, 2, 3, at 6; MIMAROPA at CALABARZON, kung saan 57,532 dito ang nasa evacuation centers habang 230, 507 ang pansamantalang naninirahan sa ibang lugar.

Samantala, nananatili naman sa 27 ang bilang ng mga nasawi, 140 naman ang sugatan, habang 13 ang nawawala. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author