dzme1530.ph

Refueling facility, planong itayo AFP sa sa EDCA site sa Cagayan

Target ng Armed Forces of the Philippine na magtayo ng overhead refueling facility sa EDCA site sa Lal-lo Airport sa Cagayan.

Sa statement, binigyang diin ng AFP na kailangang bilisan ang konstruksyon ng mga pasilidad sa EDCA sites kasama ang U.S. para sa humanitarian assistance at disaster requirements sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay ginagamit ang Lal-lo airport bilang refueling site ng mga eroplano ng Pilipinas at Amerika, subalit 55-gallon drums lamang ang kapasidad nito, kaya kailangang magtayo ng overhead refueling facility.

Ginawa ng militar ang pahayag bago ang nakatakdang pagbisita nina Defense Sec. Gilbert Teodoro at AFP Chief Romeo Brawner Jr. sa EDCA site sa Cagayan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author