Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang planong full implementation ng single-ticketing system at hand-held ticketing devices sa buong Metro Manila sa Setyembre.
Ginawa ni MMDA Acting Chairman Don Artes ang anunsyo, kasunod ng pag-turnover ng 30 units ng hand-held devices sa limang local government units, na kinabibilangan ng Valenzuela, Caloocan, Muntinlupa, San Juan, at Parañaque.
Sinabi ni Artes na magde-deliver ang MMDA karagdagang devices sa iba pang LGU, base sa kanilang requests.
Sa kasalukuyan ay ipinatutupad ang single-ticketing system sa Valenzuela, Caloocan, Muntinlupa, San Juan, Parañaque, at Quezon City. —sa panulat ni Lea Soriano