Pumalo na sa 85,692 ang dengue cases sa buong bansa ngayong taon.
Sa datos, sinabi ng Dep’t of Health na nakapagtala sila ng 9,916 karagdagang kaso mula lamang June 25 hanggang July 8.
Paglilinaw ng DOH, mas mababa pa rin ito ng 19% kumpara sa naitalang 106,517 na kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Paalala ng kagawaran ang publiko, mag-ingat at sundin ang 5-S Dengue Strategy o ang search and destroy; self-protect; seek early consultation; support fogging in outbreak areas; at sustain hydration.