Nadagdagan pa ng isa ang nasawi bunsod ng pinagsamang epekto ng bagyong Egay at Habagat.
Sa pinakahuling situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umakyat na sa 27 ang death toll, kung saan 25 ang bina-validate pa habang 2 ang kumpirmado.
13 indibidwal naman ang napaulat na nawawala habang 52 ang nasugatan.
Mahigit 2.8M katao o 765,000 families ang naapektuhan ng mga pag-ulan at pagbaha sa 4,646 na mga barangay sa buong bansa.
Sa naturang bilang 289,713 individuals ang inilikas at inilipat sa 677 evacuation centers.
Sa kasalukuyan ay nasa 154 na lugar sa bansa ang nasa ilalim ng State of Calamity. —sa panulat ni Lea Soriano