dzme1530.ph

P36-M training at traveling expenses ng National Youth Commission, pinuna ng COA

Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang P36.82-M na ginastos ng National Youth Commission (NYC) para sa kanilang mga training at biyahe.

Sa 2022 Audit Report para sa NYC, sinabi ng state auditors na hindi matiyak ang validity at propriety ng expenses bunsod ng kawalan ng proper planning ng iba’t ibang aktibidad ng komisyon, kakulangan ng documentation at improper processing.

Kabilang sa flagged expenses ay ang P1.28-M na excessive payments para sa hotel room reservations para sa summits ng NYC at Sangguniang Kabataan Leaders sa iba’t ibang bahagi ng bansa, gaya sa Boracay, Baguio City, Bohol, Batangas, at Ilocos Norte.

Sa bahagi naman ng NYC, ipinaliwanag nito na nagkaroon ng unoccupied hotel rooms dahil hindi nakarating ang ilang participants, bunsod ng iba’t ibang kadahilanan, kabilang na ang pagiging positibo sa COVID-19. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author