Pumalo sa panibagong record high ang utang ng Pilipinas hanggang noong katapusan ng Hunyo, bunsod ng pinalakas na borrowings ng pamahalaan upang masuportahan ang financing requirements nito.
Ayon sa Bureau of Treasury, lumobo na sa P14.15-T ang outstanding debt ng national government, mas mataas ng 0.4% mula sa P14.10-T hanggang noong katapusan ng Mayo.
Sa kabuuang utang, P9.70-T o 68.6% ay mula sa local lenders habang P4.45-T o 31.4% ay mula sa foreign sources. —sa panulat ni Lea Soriano