dzme1530.ph

22,000 metric tons ng sibuyas, aangkatin

Mag aangkat ang pamahalaan ng 22,000 metric tons ng sibuyas dahil wala na umanong iba pang pagpipilian.

Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Deputy Spokesperson Rex Estoperez, na napagkasunduan ang pag-iimport sa executive committee meeting ng ahensya noong biyernes.

Inihayag pa ni Estoperez na batay sa trend, hindi niya inaasahan na bababa ang farm gate prices dahil sa pagmamanipula ng mga middleman sa trading sa pamamagitan nang pagpapabidding sa mga nagtatanim ng sibuyas.

Ayon sa DA Official, sa ilalim ng plano ng pamahalaan, mula sa 22,000 metric tons ng aangkating sibuyas, tig 25 percent o 5,500 metric tons ang ilalaan sa Visayas at Mindanao habang 50 percent o 11,000 metric tons sa Luzon.

Idinagdag ni Estoperez na inaasahang darating ang mga imported na sibuyas bago matapos ang buwan ng Enero o sa unang linggo ng Pebrero.

About The Author