Pinag-aaralan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon na inihain ng transport groups para sa “rush hour rate,” matapos ang apat na sunod na linggong oil price hike.
Sa ilalim ng panukala, P1.00 ang idaragdag sa pasahe sa jeep habang P2.00 sa bus tuwing peak hours o 5 a.m. hanggang 8 a.m. at 4 p.m. hanggang 8 p.m., maliban sa araw ng linggo at holidays.
Ramdam na ramdam na umano ng mga tsuper ng jeep ang patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, lalo na ngayong magsisimula na ang pasukan sa eskwela.
Ang “rush hour rate” petition ay inihain ng transport groups sa LTFRB noon pang October 2022. —sa panulat ni Lea Soriano