Hindi na ikinagulat ng kampo ni Suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. ang pagtukoy ng Anti-Terrorism Council (ATC) sa mambabatas bilang terorista.
Sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Teves, na simula pa lang naman noong una ay idinidiin na ng pamahalaan ang kanyang kliyente sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Kabilang na aniya rito ang agad pagtukoy kay Teves bilang mastermind sa krimen nang walang pagsisiyasat, pagsasagawa ng illegal searches sa properties nito, at pagharang sa kapangyarihan at prerogatives nito bilang miyembro ng Kamara.
Binigyang diin din ng Abogado na lahat ng mahahalagang testigo laban kay Teves ay binawi na ang kanilang mga testimonya at walang matibay na ebidensya laban sa kanyang kliyente. —sa panulat ni Lea Soriano