dzme1530.ph

Pinsala ng bagyong Egay at habagat sa mga paaralan, tinaya sa mahigit P800-M

P810-M ang kakailanganin para sa reconstruction at rehabilitation ng mga eskuwelahan na nasira ng bagyong Egay at habagat, ayon sa Department of Education.

Sa situational report ng DepEd as of July 28, 169 schools mula sa siyam na rehiyon ang nagtamo ng pinsala mula sa epekto ng bagyo at baha.

Sinabi ng ahensya na 68 schools sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, at Western Visayas ang ginamit bilang evacuation centers, as of July 25. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author