Hindi kailangang dumalo ang mga estudyante sa online classes kung sinuspinde ng kanilang paaralan ang in-person classes dahil sa masamang panahon.
Pahayag ito ni Department of Education Spokesman Michael Poa, matapos tawagin ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na “unjust,” “inhumane,” at “insensitive” ang umano’y desisyon ng DepEd na magsagawa ng online classes kapag may kalamidad.
Nilinaw ni Poa na kapag sinuspinde ang on-site classes, suspendido rin ang online classes, alinsunod sa DepEd Order 37.
Ipinaliwanag ng opisyal na ang sinasabing walang disruption ay ang pagsagot sa modules ng mga mag-aaral, na hindi rin naman nila obligadong tapusin kung malalagay sa alanganin ang kanilang kaligtasan dulot ng masamang panahon. —sa panulat ni Lea Soriano