Isinailalim sa State of Calamity ang buong probinsya ng Bulacan kasunod ng iniwang pinsala ng nagdaang Bagyong Egay at Hanging Habagat.
Ayon kay Bulacan Vice Gov. Alex Castro, umabot sa P90-M ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura sa lalawigan matapos ang pananalasa ng bagyo.
Nasa 18 bayan at 4 na lungsod aniya ang apektado, kung saan abot-leeg na ang tubig-baha gaya sa Brgy. Sta.Lucia, sa Calumpit; habang hanggang dibdib na baha naman sa Brgy. Corazon, na hindi naman inaabot ng matinding baha noon.
Naapektuhan din ang mga palaisdaan sa Hagonoy, Bulacan nang malubog sa baha ang lahat ng 26 barangay sa naturang bayan.
Kaugnay nito, nakataas na rin ang State of Calamity sa probinsiya ng Cagayan at Pampanga dahil pa rin sa malawakang pagbaha.