dzme1530.ph

Klase at Trabaho sa Maynila, suspendido ngayong Pista ng Nazareno

Suspendido ang mga klase sa paaralan at tanggapan ng Lokal na Pamahalaan sa buong Lungsod ng Maynila ngayong Enero a-nuwebe bilang pagbibigay-daan sa Pista ng Itim na Nazareno.

Sa inilabas na Executive Order No. 1 ni Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, suspendido ang klase sa mga paaralan sa lungsod, saklaw nito ang face-to-face at online classes at samantala suspendito din ang trabaho sa Lokal na Pamahalaan.

Sinabi ni Lacuna na ito ang magbibigay ng pagkakataon sa mga magulang at estudyante na makilahok sa mga aktibidad kaugnay ng Pista ng Itim na Nazareno.

Nagpatupad din ng Liquor Ban sa buong Lungsod ng Maynila mula Enero a-siete hanggang a-nuebe upang matiyak ang kaligtasan ng mga deboto at mananampalataya.

Mababatid na muling kinansela sa ikatlong pagkakataon ang tradisyunal na Traslacion ng Itim na Nazareno.

Tinatayang nasa limang milyong deboto ang inaasahang lalahok sa itinakdang Walk of Faith Procession sa enero a-otso ayon sa Manila Police District (MPD).

About The Author