Pumalo na sa 25 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng nagdaang bagyong Egay at Southwest Monsoon o Habagat.
Batay sa latest bulletin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kaninang alas-8 ng umaga, dalawa sa nasabing bilang ang kumpirmadong namatay habang 23 iba pa ang bine-verify.
Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 52 sugatan kung saan 39 rito ang kumpirmado at 13 ang inaalam pa, habang 20 indibidwal naman ang nawawala.
Pumalo naman sa 654, 837 families o katumbas ng 2, 397, 336 individuals ang naapektuhan ng bagyong Egay at Habagat.
Nakapamahagi na rin ang pamahalaan ng halos P150-M ng halaga ng tulong sa mga biktima ng masamang panahon.
Samantala, tinatayang aabot sa halos P2-B ang halaga ng danyos sa sektor ng agrikultura habang mahigit P3-B ang halaga ng pinsala sa sektor ng imprastruktura. —sa panulat ni Airiam Sancho