dzme1530.ph

Kahalagahan ng Judicial system, binigyang diin ni Chief Justice Gesmundo sa pag-unlad ng bansa

Binigyang diin ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang kahalagahan ng judicial system sa pag-unlad ng bansa.

Sa Foundation for Liberty and Prosperity Awards, sinabi ni Gesmundo na kailangan balanse ang mga karapatan at kalayaan ng taumbayan at ang interest ng pamahalaan sa pagpapalakas ng ekonomiya.

Ipinaliwanag ng Punong Mahistrado kapag pinag-usapan ang kalayaan at kaunlaran, tumutukoy ito sa pagkain sa hapag, mga batang pumapasok sa paaralan, mga negosyong tumutulong sa mga nangangailangan, at lahat ng mga Pilipino, anuman ang katayuan sa lipunan, ay namumuhay ng may seguridad at dignidad. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author