Nag-donate ang European Union ng P30-M para sa mga pangangailangan ng mga naapektuhan ng nagdaang bagyong Egay at upang masuportahan ang relief efforts ng bansa.
Sa statement, sinabi ng EU na ang pondo ay kinapapalooban ng life-saving assistance, kabilang ang emergency shelter at shelter repair, malinis na tubig, at sanitation, sa mga pinaka-naapektuhan ng kalamidad sa mga rehiyon ng Cagayan Valley, Ilocos, at Cordillera Administrative Region.
Inihayag ng EU na nasa mga lugar na apektado ng kalamidad na ang kanilang humanitarian partners, para i-assess ang pangangailangan ng mga naapektuhang residente. —sa panulat ni Lea Soriano