dzme1530.ph

Big-time oil price hike, asahan sa unang araw ng Agosto

Abiso sa mga motorista!

Muling magpapatupad ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis bukas, August 1.

Batay sa Oil industry sources, posibleng magkaroon big-time oil price hike na P3.10 hanggang P3.50 per liter ang diesel habang nasa P1.80 hanggang P2.20 naman ang dagda-presyo sa kada litro ng gasolina.

Sa datos naman ng Dep’t of Energy, mahigit P2.00 ang inaasahang taas-presyo sa diesel at kerosene habang mahigit P1.00 naman ang patong sa presyo ng gasolina.

Nabatid na ang naturang oil price hike ay bunsod ng patuloy na paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang merkado.

Samantala, asahan ding madaragdagan ng P4 hanggang P4.50 ang presyo ng kada kilo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa unang araw ng Agosto.

About The Author