dzme1530.ph

Aug. 8-14, idineklara ng Pangulo bilang Philippine Space Week!

Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Aug. 8 hanggang Aug. 14 bilang “philippine space week”.

Sa proclamation no. 302, inatasan ang Philippine Space Agency na pangunahan at tukuyin ang mga programa, proyekto, at aktibidad para sa selebrasyon.

Hinimok din ang lahat ng ahensya kabilang ang Gov’t-Owned or -Controlled Corporations, State Universities and Colleges, local governt units (LGU’s), non-gov’t organizations (NGO’s), at pribadong sektor na aktibong makilahok sa Philippine Space Week.

Iginiit sa proklamasyon na nararapat na itaguyod ang space awareness, at ipagdiwang ang mahahalagang kontribusyon ng mga Pilipino worldwide sa larangan ng space science.

Ito ay bilang pagkilala rin sa benepisyo ng Space Science and Technology sa pamumuhay ng mga Pinoy, at socio-economic development ng bansa. –ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author