dzme1530.ph

MARINA, sinuspinde ang safety certificate ng lumubog na motorbanca sa Rizal

Sinuspinde ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang safety certificate ng motorbanca na lumubog sa Laguna Lake malapit sa Binangonan, Rizal.

Ayon sa Regulatory Agency, magsasagawa ito ng maritime safety investigation pagkatapos wakasan ng Philippine Coast Guard ang kanilang search and rescue operation sa insidente.

Una nang sinabi ng Coast Guard na overloaded ang MB Princess Aya, na may lulan na higit 60 pasahero at tripulante sa kabila ng kapasidad nito na 42 katao.

Napag-alaman din ng PCG na 22 lamang ang pasaherong naka-deklara sa passenger manifest ng motorbanca.

Samantala, nasa 26 na katao ang kumpirmadong patay at 40 ang nakaligtas sa naturang insidente. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author