dzme1530.ph

Panukalang batas kaugnay sa libreng licensure exam ng mga mahihirap, isinusulong ng mga mambabatas

Isinusulong nina Davao Representative Paolo Duterte at Benguet Representative Eric Yap ang isang panukalang batas na humihiling na ilibre na sa licensure examination fees ang qualified indigents.

Nakasaad sa House Bill 4927 na hindi dapat maging hadlang ang pagbabayad ng licensure exam fees para sa mga Pilipino na nais maging propesyunal.

Bahagi nito ang licensure examinations na ibinibigay ng Professional Regulation Commission (PRC), Civil Service Commission (CSC), at Bar examinations ng Supreme Court (SC).

Mga walang sahod o mayroong hindi sapat na kita para suportahan ang basic need ng pamilya lamang ang maaaring mag-avail ng free licensure fees.

Hinimok ni Duterte ang mga kapwa mambabatas na agad na tutukan ang pagpasa sa naturang panukala dahil marami ang makikinabang dito. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author