Pinalawig ng panibagong 90-araw o hanggang Nob.15 ang ipinatupad na Martial Law sa bansang Ukraine.
Nakasaad sa naturang panuntunan na hindi maaaring makalabas ng bansa ang mga kalalakihan na may 18 hanggang 60-anyos.
Ayon sa isang miyembro ng parliament na si Yaroslav Zheleznyak, mayorya ng lawmakers ang bumoto para i-extend ang martial law sa kanilang bansa.
Ito ay dahil sa inaasahang pagkakaroon ng parliamentary elections sa buwan ng Oktubre at gayundin ang nagpapatuloy na kaguluhan sa bansa.
Ngunit binigyang diin ng mga opisyal ng gobyerno na tuloy pa rin ang presidential elections na isasagawa sa buwan ng Marso ng susunod na taon.
Nabatid na unang nagpatupad ng martial law ang Ukraine noong a-24 ng Pebrero noong nakaraang taon, isang araw matapos ang ginawang pag-atake ng Russia. —sa panulat ni Jam Tarrayo