dzme1530.ph

Pagrerelease ng pandemic allowances, benefits, inihihirit ng isang grupo

Hinimok ng isang grupo ang Administrasyong Marcos na ilabas ang COVID-19 related allowances at benefits ng mga health worker kahit inalis na ang State of Public Health Emergency.

Sinabi ni Salome Ejez, Pangulo ng Phillipine Heart Center Employees Association at miyembro ng Alliance of Health Workers kay Pang. Ferdinand Marcos Jr., na kailangan nila ang mas higit pa sa “Gratitude at Appreciation.”

Sa ikalawang State of the Nation Address, magugunitang pinasalamatan ni Marcos ang medical professionals para sa kanilang serbisyo at dedikasyon noong kasagsagan ng pandemya.

Kaya naman sinabi ni Ejes na ilang beses na nila itong narinig at panawagan ng grupo ang higit pa sa pasasalamat at pagpapahalaga, maging ang sinseridad ng administrasyon.

Ayon pa kay Ejes, inalis na ng Pangulo ang deklarasyon ng public health emergency sa bansa, subalit ang COVID-19 allowances para sa period ng July hanggang December 2021 at January hanggang December 2022 ay hindi pa rin naibibigay, at ngayo’y may panibagong utang nanaman ang gobyerno para sa period na January hanggang June 2023 na para sa health emergency allowance ng health workers. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author