dzme1530.ph

Green lane para sa strategic investments ng gobyerno, pag-aaralan ng DTI

Pag-aaralan at aaprubahan ng Dept. of Trade and Industry ang 12 strategic projects na may combined capital na P183-B sa ilalim ng Executive Order no. 18 o ang Green Lane for Strategic Investments.

Layunin ng E.O na mapabilis, i-streamline at i-automate ang proseso ng pag-apruba at pagpaparehistro ng gobyerno para sa mga priority investment na nakahanay sa Philippine Development Plan 2023 hanggang 2028.

Kabilang sa mga nakaline-up na proyektong aaprubahan ang SUNASIA ENERGY INC. na may P66-B para sa 1,300-megawatt floating solar project sa Laguna de Bay; NK Solar One Inc. na may P25-B para sa 250-mw floating solar project sa Caliraya, Laguna; Philtower Consortium Inc. na may P52-B para sa 7,907 built-to-suit common towers; at Narra Technology Development Park na may 50 billion hyperscale data center sa New Clark City, Tarlac.

Sinabi naman ni DTI Sec. Alfredo Pascual na makalilikha ng halos 20,000 trabaho para sa mga Pilipino ang naturang renewable energy, digital infrastructure, manufacturing, at electricity projects. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author