dzme1530.ph

Mga pasaherong papalabas ng bansa dagsa na sa NAIA Terminal 1

Matapos ang daan-daang cancelled flight sa mga terminal ng(NAIA) dulot ng technical glitch.

 
Unti-unti nang bumabalik sa normal ang operasyon ng mga airlines matapos maayos ang problema sa Air Navigation Traffic Management System ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
 
Dahil sa patutulungan ng Manila International Airport Authority (MIAA) at mga Airline company para sa recovery flights, puno ang mga check-in counter mga pasaherong patungong Riyadh, Incheon, Bahrain, Dubai, Taipei, Bangkok, Kuala Lumpur, Narita, at Los Angeles, United States of America.
 
Kasama rin sa naapektuhan ng flight cancellation ang Kansai, Kuwait, Kaohsiung, Singapore, at Dammam.
 
Nasa labing-isang international flights ang lilipad ngayong araw mula sa NAIA Terminal 1.
 
Una nang binanggit ni MIAA acting General Manager Cesar Chiong na posibleng abutin ng hanggang huwebes bago maibalik sa normal ang operation ng paliparan matapos ang recovery flights.

About The Author