dzme1530.ph

Cambodian PM, bababa na sa kapangyarihan makalipas ang apat na dekada

Inanunsyo ni Cambodian Prime Minister Hun Sen, isa sa longest-serving leaders sa buong mundo, na magre-resign na siya at ililipat niya ang kapangyarihan sa panganay na anak, makalipas ang halos apat na dekadang istriktong pamumuno.

Pinamunuan ng dating Khmer Rouge Cadre ang Southeast Asian Kingdom simula 1985, sa pamamagitan ng pag-alis sa lahat ng oposisyon.

Ang kanyang Cambodian People’s Party (CPP) ay nanalo sa pamamagitan ng landslide sa eleksyon noong linggo, para bigyang daan ang dynastic succession sa kanyang anak na si Hun Manet na inihalintulad ng ilang kritiko sa North Korea. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author