Tiniyak ng Department of Agriculture na mayroong sapat na supply ng pula at dilaw na sibuyas sa bansa ngayong off-peak season.
Sinabi ni Director Gerald Glenn Panganiban ng Bureau of Plant Industry ng D.A., na ang average na naku-konsumo ng bansa na yellow onions kada buwan ay 4,000 metric tons habang 17,000 metric tons sa red onions.
Aniya, mayroong sapat na buffer stock ang pamahalaan para mapunan ang demand para sa susunod na dalawang buwan.
Gayunman, inamin ni Panganiban na naghahanda rin ang gobyerno para sa posibleng importasyon ng sibuyas. —sa panulat ni Lea Soriano