dzme1530.ph

Mahigit 150K katao, apektado ng bagyong Egay, habagat, ayon sa DSWD

Pumalo na sa 150,000 na indibiduwal ang naapektuhan ng Habagat at bagyong Egay.

Ito ay batay sa pinakahuling report ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa DSWD, umabot na sa 154,000 na mga indibidwal ang apektado ng bagyo sa buong bansa.

Katumbas ito ng 38,991 na pamilya mula sa Regions I, II, III, CALABARZON, MIMAROPA, VI, VII, at XII.

Sa ulat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, aabot na sa 921 na pamilya o 3,211 na indibidwal ang nananatili sa mga evacuation centers.

Habang mayroong mahigit 400 pamilya ang nakikitira sa kanilang mga kaanak. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author