dzme1530.ph

COVID-19 response ng Pilipinas, matagumpay —WHO

Naniniwala ang bagong kinatawan ng Pilipinas sa World Health Organization na ang pagtugon ng bansa sa COVID-19 ay naging matagumpay.

Sa selebrasyon ng ika-75 taon ng WHO sa Pilipinas, sinabi ni Dr. Rui Paulo de Jesus na sa kabila ng naitalang mahigit 66,000 nasawi dahil sa COVID-19, matagumpay pa ring napangasiwaan ng bansa ang pandemya.

Muli ring inihayag ni de Jesus na ang mga batayan at kondisyon sa pagtanggal ng Public Health Emergency of International Concern ay naabot nang i-anunsyo ni WHO Dir.-Gen. Tedros Adhanom Ghebreyesus ang pagtatapos ng deklarayon nito noong Mayo.

Dagdag niya, hindi na kailangan ang Public Health Emergency dahil mayroon ng mga bakuna, kaalaman, at kasanayan hinggil sa COVID-19.

Kaugnay nito, binigyang-diin ni de Jesus ang kahalagahan ng pagpapabakuna at hinimok nito ang gobyerno ng Pilipinas na palakasin pa ang COVID-19 vaccination sa mga health program. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author