Bahagyang itinaas ng International Monetary Fund (IMF) ang growth forecast ng Pilipinas sa 6.2% mula sa 6%.
Kasunod ito ng paglago ng Gross Domestic Product expansion sa First Quarter ng 2023.
Pasok ang nasabing pagtaya sa 6% hanggang 7% na paglago ng ekonomiya sa inanunsyo ng Interagency Development Budget Coordinating Commitee.
Gayunpaman, inihayag ni IMF Resident Rep. to the Phil. Ragnar Gudmundsson na nirebisa at binabaan nila ang growth forecast para sa 2024 sa 5.5% mula sa 5.8% dahil sa pagbabago sa pandaigdigang ekonomiya at epekto ng paghihigpit ng polisiya. —sa panulat ni Airiam Sancho