dzme1530.ph

Gagastusin para sa mandatory infrasructure sa NAIA rehabilitation, itinakda sa P130-B

Gagastos ang mananalong bidder para sa rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng P130-B para sa infrastructure sa susunod na limang taon bilang bahagi ng Terms of Reference.

Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang terms of reference para sa Privatization ng NAIA, ay kinapapalooban ng mandatory infrastructure spend, bukod sa upfront payment na hindi tinukoy.

Inihayag ni Bautista na marami ang nagpahayag ng interest na mag-bid para sa proyekto, partikular ang mga foreign investor.

Noong nakaraang linggo ay inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board, na pinamumunuan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagsasapribado ng NAIA sa pamamagitan ng solicited bid na mayroong upfront payment.—sa panulat ni Lea Soriano

About The Author