Nakapagtala ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng kabuuang walumpu’t siyam na insidente ng sunog simula Disyembre 24, 2022 hanggang Enero 1, 2023.
Ayon kay BFP Spokesperson, Fire Superintendent Analee Atienza, mas mababa ito ng 44 porsyento kumpara sa isang-daan at walumpung sunog na naganap sa kaparehong panahon noong 2021 hanggang 2022.
Sinabi ni Atienza na electrical ignition o may kinalaman sa kuryente ang sanhi ng mga sunog at karamihan ng insidente ay naganap sa mga residential areas.
Kasabay nito, nanawagan ang opisyal sa publiko na palagiang i-check ang kanilang power lines upang maiwasan ang sunog.
Hinimok din nito ang publiko na makipagtulungan sa BFP sa pagtukoy ng mga fire hazards sa kanilang mga lugar.