dzme1530.ph

Panawagan ni Pang. Marcos na amnestiya para sa mga dating rebelde, suportado ni Defense Sec. Teodoro

Suportado ni Defense Secretary Gilbert Teodoro ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na amnestiya para sa mga dating rebelde.

Sinabi ni Teodoro na para ito sa mga nais magbalik-loob sa pamahalaan, at sa mga miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Inihayag ng kalihim na babalangkas ang Pangulo ng proklamasyon para sa mga nais nang tumalikod sa kilusan upang makatutok ang pamahalaan sa external defense.

Gayunman, nilinaw ni Teodoro na ang alok na amnestiya ay hindi kapalit o para buksan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at mga komunista. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author