dzme1530.ph

Epekto ng inflation, ibinungad ni Pang. Marcos sa kanyang ikalawang SONA

Sinimulan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) sa pagtukoy sa inflation bilang pinakamalaking hamon na sa tingin niya ay kinakaharap ng bansa.

Binanggit ng Pangulo ang mga pangyayari sa mundo na nagpataas ng inflation, kabilang ang digmaan sa Ukraine at epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang ulat sa bayan, kahapon, tinukoy ng Pangulo ang mga napagtagumpayan ng kanyang administrasyon sa loob ng isang taon, kasabay ng pagkilala sa mga hamon na patuloy na pinagdadaanan ng bansa.

Inilarawan ng Punong Ehekutibo ang kanyang ikalawang SONA na “kulang pa.” —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author