dzme1530.ph

Deployment ng ibat-ibang tauhan ng law-enforcement kaugnay sa SONA 2023, pinaigting pa

Patuloy na naka deploy pa rin ang libu-libong tauhan ang Quezon City Government sa ilalim ng law and order cluster nito bilang paghahanda sa 2nd State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Sa ngayon nakakalat pa rin ang 800 enforcer ng Transport and Traffic Management Department (TTMD) para tumulong sa traffic ng mga tao sa mga pangunahing lansangan, habang ang 375 Department of Public Order and Safety (DPOS) nandito para tumulong sa QCPD sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan ng publiko.

Upang matulungan ang mga nangangailangan ng agarang tulong at suportang medikal sa panahon ng SONA, ang QC Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRM) ay magpapakalat din ng 287 tauhan mula sa mga Emergency Medical Services (EMS), Search and Rescue (SAR) team nito, at iba pang karagdagang mapagkukunan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at tumugon sa anumang hindi inaasahang insidente.

Ayon kay Sec. General Reginald Velasco at HREP Sergeant-at Arms (SAA) PMaj Gen. Napoleon Taas, nasa 29,000 pinagsamang security contingent na magmumula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Bureau of Fire Protection (BFP) ang ipapakalat sa araw ng SONA.

hindi naman bababa sa tatlong Internet Service Providers (ISPs) ang naka-standby bilang contingency para hindi maputol ang coverage ng SONA,

Layunin nito na makasigurado na ang mensahe ni Presidente ay maipaparating ng maayos, na hindi magkakaroon ng anumang uri ng mga glitches, o aberya. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author