Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na naghahanda na ang kanilang mga paliparan para sa Tropical Storm Egay sa gabay ng pinakabagong tropical cyclone bulletin mula sa PAGASA.
Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, ina-activate na nila ang standard precautionary actions at safety measures para sa lahat ng paliparan na pinangasiwaan nito na posibleng dadaanan ng bagyong Egay.
Tiniyak naman ni CAAP Area Center 5 (Bicol Region) Manager Cynthia Tumanut na ang mga paliparan sa Bicol, na madalas tamaan ng mga bagyo, ay pinatitibay ang mga pasilidad nito upang maprotektahan ang mga gusali ng paliparan mula sa galit ng bagyo at hangin.
Ayon sa CAAP nananatiling normal ang operasyon ng mga paliparan sa kabila ng pabago-bagong lagay ng panahon sa hilagang Luzon tulad ng Basco, Itbayat, Tuguegarao, Cauayan, Palanan, at Bagabag Airport. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News