Nagpahayag ng pagkabahala ang middle-class Gen Z’s at Millenials kaugnay sa mga lumalalang problema dahil sa impact ng inflation noong 2nd quarter ng 2023.
Batay sa survey na isinagawa ng Nomura Research Institute Singapore – Manila Branch noong Mayo hanggang Hunyo, lumalabas na 94% ng respondents ang nakaramdam ng epekto ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa nasabing panahon.
Sa naturang bilang ng respondents, 60% ang nagsabi na ang patuloy na pagtaas ng presyo ang may pinakamalaking impact sa food and beverage expenses.
Sinundan ito ng transportation at fuel cost na may 15%, at utilities gaya ng kuryente, tubig at internet bills na may 14%.
83% naman ng mga lumahok sa survey ang nagsabi na nabawasan ang kanilang paggastos sa non-essential goods, habang 79% ng Gen Z’s at Millenials ang nakita ang kahalagahan ng pagbabawas sa leisure at entertainment expenses. —sa panulat ni Airiam Sancho