Nagpulong ang Inter-Agency Task Force Monitoring Team (IATF-MT) para magtakda ng Contingency plans na makatutulong sa mga commuter kaugnay ng transport strike na magsisimula sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa July 24.
Kabilang sa mga tinalakay na plano ay ang pag-dispatch ng rescue vehicles para sa mga ferry passenger na maaring maapektuhan, at pag-monitor sa lagay ng panahon sa araw ng SONA ng Pangulo.
Samantala, kinokontak pa rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga transport group na hindi lalahok sa tigil pasada, habang ang PNP National Capital Region Police Office ay magde-deploy ng reaction teams sa mga lugar na targeted bilang hotspots for harassment.
Ang meeting ay isinagawa matapos ianunsyo ng grupong Manibela na magsasagawa sila ng transport strike sa July 24 hanggang 26 upang i-protesta ang PUV Modernization Program. —sa panulat ni Lea Soriano