Binalewala ng International Criminal Court (ICC) ang sovereign right ng Pilipinas na imbestigahan ang mga sersyosong krimen sa pagbasura nito sa apela ng bansa kaugnay ng War on drugs ng nakalipas na Duterte Administration.
Ito ang dismayadong reaksyon ng Office of the Solicitor General sa ruling ng ICC, kasabay ng pagsasabing kahit kumalas na ang Pilipinas mula sa Rome Statute ay pinili pa rin ng bansa na makipag-cooperate sa Office of the Prosecutor sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga datos mula sa kanilang imbestigasyon sa mga pang-aabuso sa drug war.
Tatlo mula sa limang judges ang nagbasura sa apela ng gobyerno ng Pilipinas sa pangunguna ni Solicitor General Menardo Guevarra, sa dahilang hindi malinaw ang apela na nagpapatigil sa imbestigasyon sa madugong kampanya ng nakalipas na administrasyon laban sa iligal na droga. —sa panulat ni Lea Soriano